Is it Time to See a Doctor? Signs You Have Severe Heartburn or Hyperacidity
Heartburn and hyperacidity can greatly interfere with your daily life.

Alamin ang mga karaniwang sanhi at lunas sa acid reflux o pangangasim ng sikmura.
Summary |
Ang pangangasim ng sikmura o acid reflux ay maaaring maging sanhi ng discomfort at stress sa pang-araw araw, ngunit ito ay maaaring makontrol gamit ang tamang gamot at mga pagbabago sa pamumuhay. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagkain at inuming nagdudulot ng sintomas, pag-inom ng mga gamot tulad ng Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Gaviscon), at pagtugon ng tama sa mga senyales ng acid reflux, maiiwasan ang paglala ng kondisyon at mapapanatili ang magandang kalusugan ng sikmura. |
Nangangasim na naman ba ang iyong sikmura o parang may humahapdi sa iyong dibdib? Kung oo, baka acid reflux na ’yan. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa sa nararamdaman mong ito.
Ang acid reflux ay nangyayari kapag umaakyat ang asido mula sa tiyan patungo sa esophagus, na siyang nagdudulot ng heartburn. Mahalagang maintindihan kung bakit ito nangyayari para malaman natin ang mga tamang gamot at simpleng lunas na mabisang pang-iwas dito.
Ang pangangasim ng sikmuram, o kilala rin bilang acid reflux, ay nangyayari kapag ang acid mula sa sikmura ay bumabalik at umaakyat patungo sa esophagus.
Ang lower esophageal sphincter (LES)—ang muscle na nagsisilbing valve sa pagitan ng tiyan at esophagus—ay dapat na manatiling nakasarado upang maiwasan ang pagtaas ng asido mula sa tiyan. Dahil sa maluwag or mahinang LES, nagsisimula ang pag-agos ng asido pabalik sa esophagus, at ito’y nagiging sanhi ng mga sintomas tulad ng1:
Ang mga sintomas na ito ay maaaring mas lalong lumala kapag nakahiga o pagkatapos kumain ng sobra. Kung hindi maagapan, maaari itong humantong sa mas seryosong kondisyon gaya ng Gastroesophageal Reflux Disease (GERD).3
Narito ang ilan sa mga pinakamadalas na sanhi ng pangangasim ng sikmura.
Ang mga pagkaing maanghang, maasim, caffeinated, o maraming taba at asukal ay maaaring magpataas ng stomach acid. Ang ilang halimbawa ng mga pagkain na maaaring magpahina sa LES at magdulot ng acid reflux ay2:
Ang labis na pagkain, lalo na bago matulog, ay isa ring dahilan ng acid reflux.3
Ang abdominal obesity ay nagpapataas ng pressure sa sikmura. Ang diin o pressure na ito ay maaaring magdulot ng pag-akyat ng acid mula sa sikmura patungo sa esophagus.4
Malaking tulong ang pagbabawas ng timbang para mabawasan ang pressure sa sikmura at gumaan ang mga sintomas ng GERD. Kahit kaunti lang ang mabawas sa iyong timbang, malaki na ang maitutulong nito para maibsan ang acid reflux.
Ang nicotine mula sa sigarilyo ay nagiging sanhi ng pagluwag ng LES, kaya’t mas madaling makaakyat ang stomach acid sa esophagus. Ito rin ay nagpapalakas ng produksyon ng stomach acid na maaaring magpalala ng mga sintomas ng acid reflux.5
Dahil sa stress, naglalabas ang katawan ng mga hormone na nagpapataas ng asido sa sikmura. Narito ang mga pangunahing stress hormones na may kinalaman dito:
Kapag tayo ay stressed, ang katawan ay naglalabas ng mga hormone na maaaring magpataas ng stomach acid. Ang mga pangunahing hormone na nauugnay sa stress ay6:
Dahil sa pagbabago ng hormones gaya ng progesterone, mas nagre-relax ang mga muscle sa esophagus habang buntis. Kapag nangyari ito, maaaring umakyat pabalik ang asido mula sa sikmura na siyang nagiging sanhi ng mga sintomas ng acid reflux.7
Ang ilang mga gamot tulad ng aspirin, ibuprofen, at mga gamot sa high blood pressure ay maaaring mag-trigger ng acid reflux. Siguraduhing kumonsulta sa doktor bago uminom ng anumang gamot upang maiwasan ang paglala ng kondisyon.8
Para sa mga taong madalas makaranas ng pangangasim ng sikmura, mayroong iba't ibang paraan upang mapawi ang sintomas. Narito ang ilan sa mga lunas na maaari mong subukan.
Ang antacid ay isa sa mga pangunahing gamot na ginagamit upang pawiin ang labis na stomach acid. Gumagana ang mga ito sa pamamagitan ng pag-neutralize ng stomach acid, na nagbibigay ng mabilis na ginhawa mula sa mga sintomas tulad ng heartburn, hapdi sa lalamunan, at indigestion.
Ang mga produktong gaya ng Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Gaviscon) ay epektibong lunas sa acid reflux at heartburn. Isa sa mga pangunahing ingredient nito, ang sodium alginate, ay nagmula sa natural na seaweed. Ito ay bumubuo ng protective raft na humaharang sa stomach acid, pepsin, at bile.
Ang antacid na bahagi ng formula—ang calcium carbonate at sodium bicarbonate—ay tumutulong din na labanan ang acidity. Ang Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Gaviscon Double Action) Liquid ay naghahatid ng lunas sa loob ng tatlong minuto para sa heartburn, na may bisang tumatagal ng hanggang apat na oras.
Iba’t Ibang Produkto ng Gaviscon |
|
Maari mong bilhin ang Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Gaviscon) sa iyong suking botika at online sa Reckitt Health and Beauty Store on Lazada at Reckitt Health Official on Shopee.
Ang H2 blockers ay mga gamot na maaring ireseta ng doktor para pababain ang produksyon ng acid, habang ang PPIs naman ay nagbabawas ng dami ng acid na ginagawa ng tiyan. Ang mga PPI ay mas epektibo sa pagpapagaling ng esophagus at pagbawas ng pamamaga na dulot ng acid reflux. Dahil dito, mas pinipili ang mga ito para sa pangmatagalang paggamot sa GERD.9
Paalala |
Kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng iba’t-ibang gamot upang maiwasan ang paglala ng ating mga nararamdaman imbis na guminhawa. |
Ang mga pagbabago sa pamumuhay ay malaking tulong upang maiwasan ang acid reflux. Narito ang ilan sa mga simpleng hakbang:
Para sa mga taong may malalang kaso ng GERD na hindi na kayang kontrolin ng mga gamot, maaaring irekomenda ng doktor ang operasyon tulad ng fundoplication upang pahigpitin ang LES at pigilan ang pag-agos ng asido pabalik sa esophagus. Sa panahong ito, ang itaas na bahagi ng sikmura, na kilala bilang fundus, ay ibinabalot sa paligid ng LES upang palakasin ito at maiwasan ang pag-agos ng asido mula sa sikmura pabalik sa esophagus.10
Bagama’t maraming tao ang nakakontrol ang kanilang pangangasim ng sikmura sa pamamagitan ng lifestyle changes at over-the-counter na gamot, may mga pagkakataon na kailangang magpatingin sa doktor.
Kung madalas kang makaranas ng acid reflux na hindi nawawala sa simpleng gamot, o kung nakakaranas ka ng matinding pananakit ng dibdib, hirap sa paglunok, o pagsusuka ng dugo, kailangan mong magpatingin kaagad sa doktor upang maiwasan ang mas seryosong komplikasyon.
Maaari mo ring bisitahin ang aming page para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga sintomas ng acid reflux.
Pangkaraniwan man ang acid reflux, maaari pa rin itong magdulot ng matinding pagkabalisa kung hindi maagapan. Ang pagbabago sa pagkain, pag-iwas sa mga trigger, pagtaas ng ulo habang natutulog, at pag-inom ng tamang gamot ay maaaring makatulong upang mabawasan ang heartburn.
References: